Magkahalong takot at kasabikan ang nararamdaman ko ngayon. Nandito na si Tiya. Kagabi pa inihanda ni Nanay ang mga gamit ko. Nasa una o ikalawang baitang na ako sa elementarya, [hindi ko masyado maalala]. Ito ang una kong bakasyon sa probinsya.
Marami kaming sinakyang jeep. Sabi ni tiya may pupuntahan muna
kami bago dumiretso sa bayan ng aking ina. Magtitinda raw kami ng mangga.
Pinterest via |
Photo credit: Boggs via |
Tanghalian na. Kumain na kami ni tiya. Nakita kong nagbabalat ng mangga ang isa sa mga tindero. Maniba lang ang manggang kinalabaw. Isinawsaw nya ito sa toyo! Ngayon ko lang nalaman na pwede pala 'yon! "Toyo 'yon na may asukal, para maalis ang asim," ani ni tiya. Inalok ako ng tindero. Ngumiti lang ako at nagpasalamat.
Dumidilim na, pero hindi pa rin kami bumibyahe paalis.
Photo credit: Boggs via |
Gabi
na.
Naglatag na si tiya ng isang folding bed. Naglatag na din
ang ibang mga kasama naming nagtinda. Doon pala kami magpapalipas ng gabi. Walang bubong at malapit ito sa kalsada. Habang nakahiga, kitang
kita ko ang mga bituin sa langit. Naririnig ko rin ang pagdaan ng ilang mga jeep. Binalutan na ako ni tiya ng kumot...Naluha ako, agad kong
naalala silang lahat sa bahay... at tuluyan nang nakatulog ang isang paslit sa
gitna ng kaing-kaing na mga mangga.
Liked the post? Click the like button or the Facebook Share button! Spread the love. Like my Facebook Page or follow updates on Twitter and Instagram!
Get new articles delivered for free:
No comments :
Post a Comment