August 27, 2014

Walang Anuman

Masayang magcommute galing unibersidad sa Taft. Bago sumakay ng jeep hinanap ko uli si Manong.
"Manong pabili pong mais"
Swerte ko at may natira, sampung piso lang solb ka na sa laki ng nilagang mais.

Sumakay na ko byaheng Quiapo, may bibilhin ako eh. Ayoko kasi ng panyo,sa tindi ng sikat ng araw mapipiga mo ang pawis sa panyo. Gusto ko ng mini-twalya. Hindi ito twalya, hindi rin  bimpo, mas maliit ito sa Good Morning towel. Maraming kulay na pagpipilian- lila, asul, dilaw, puti, pink.

Paborito kong bilhan sila Manang na may hawak na mga bilao ng mini-twalya. Sampung piso isa. Balak kong makumpleto lahat ng kulay, pero hindi pa kasya ang pera ko. Isa pa lang ang nasa koleksyon ko-puti.


Carriedo Street Photography


Madali kong nakita ang mga nagtitinda. Meron na akong LILA at DILAW. Masaya na ko. Sumakay na ako ng jeep pa-Malanday.

Kumpara sa LRT, sa jeep pwede kang umidlip-yun talaga ang balak ko, malayu-layo din kasi ang Quiapo sa Karuhatan, kaya iidlip ako sa byahe.

Kanya-kanyang buhay sa loob. Katabi ko sa kaliwa malapit sa estribo- aleng may kandong-kandong na anak. Sa kanan naman ay isa uli aleng malayo ang tingin.


Streets and Jeepneys  in the Philippines Street Photography


Habang binabagtas namin ang ma-traffic na daan sa Sta.Cruz, bigla nalang may parang kung anong likido ang tumapon sa sapatos ko. Napapitlag ako.

Nagsuka ang batang nakakandong sa babae. Hindi naman magkamayaw sa paghahanap ng pamunas ang kaawa-awang natuliro nang ina.

Ewan ko ba pero dali-dali kong hinugot mula sa plastic ang mga mini-twalya at iniabot sa ale.
"Malinis po 'yan 'Nay-di pa nagamit."
Tingin lang ay alam ko nang nagpapasalamat na s'ya at inabot ang mga pamunas.

Nabasa lang ang sapatos ko buti 'di tumagos sa loob. Matapos mapunasan ang anak ay lumagpas na pala sila sa dapat na babaan. Nagmamadaling bumaba ang mag-ina.

Iba talaga ang pakiramdam ng nagbibigay kaysa tumatanggap. Masaya akong pumikit at umusal ng maikling panalangin na sana'y bumuti na ang pakiramdam ng bata.

Grand Central na pala. Monumento. Palapit na nang palapit...

"Ma, para lang dyan sa tabi."

Images courtesy of  Dominic Meily Street Photography
#kalikotpepot7/3/2009

Maligayang Buwan Ng Wika!

Don't forget to join my Quickie Giveaway: Connect & Win!

Liked the post? Click the like button or the Facebook Share button! Spread the love. Like my Facebook Page or follow  updates on Twitter and Instagram! 
           
Get new articles delivered for free:
Enter your email address:


Delivered by FeedBurner
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

No comments :

Post a Comment